SANA MAKITA KANG MULI
                                                        (isinulat ni jonathan bercero)

May matalik na magkaibigan mula elementarya hanggang hayskol sina sinio at nina. Matagal silang magkaibigan halos kalahati ng kanilang buhay ay sila na ang magkasama at kilala na ang isat isa .

Isang araw ay inaya ni sinio si nina sa madalas nilang puntahan sa lugar na may mga puno doon at sariwa ang hangin . "Bes masayang masaya ako ngayon at gusto ko ikaw ang una kong pagsabihan " nakangiting sinabi ni sinio habang nakahawak sa kamay ni nina."ano yon " may pagtatakang tanong nito. " kami na ni hearti " biglang napayakap si sinio sabay buhos na malakas na ulan . Napaluha si nina ngunit hindi iyon halata dahil sa ulan . "Masaya ko para sayo" may pilit na ngiti na lumabas sa bibig ni nina . " ako na yata ang pina ka swerting lalaki sa mundo bes" bakas padin ang saya sa mukha ni sinio. "Pagod na ako umuwi na tayo at baka magkasakit pa tayo". May pahihina sa boses ni nina. "O sige hatid na kita" may pagtatakang sinabi ni sinio.

Matapos ang pag- uusap nila ay hindi na sila nagkikita at nabalitaan ni sinio na nagka nobyo na pala si nina.

Isang araw ay napasyahan ni sinio na dalawin si nina sa kanilang bahay." Hi nina I Miss you" nakangiting sinabi ni sinio ( wala na ang dating saya sa mata ni nina, wala na din sigla lungkot na lamang ang nababakas sa kanyang mukha ) wika ni sinio sa kanyang sarili." Anong ginagawa mo dito"? Matamlay na tanong nito."gusto kong makita ka bes" wika ni sinio."para saan pa? Wala na din kwenta magkita mantayo o hindi " may kirot sa bawat bitaw na silita ni nina. "Mahalaga kasi mahal!"  natigilan si sinio. "Ano ? "Wala" alam mo sinio humiling ako sa bitwin kahit na alam kong hindi matupad iyon". Umiyak na umalis si nina. Naiwan si sinio. "Bakit hindi ko natuloy ang nararamdaman na mahal.. ko si nina " sabi nya sa sarili .

Araw  ng kanilang graduation ay hinahanap ni sinio si nina ngunit sabi ng kaibigan nito na hindi daw ito dumalo .may biglang lumapit na lalaki pula ang mata at mataas ang buhok ."hi pare, nakita moba si nina? Hindi ba ikaw ang kaibigan nya ? Ako nga pala ang nobyo niya " sinabi sa lalaki kay sinio . " bakit sa akin mo tinatanong hindi ba dapat ikaw ang nag-aalaga sa kanya " nanlalaking sabi ni sinio . "Easy pare ibibigay ko lang sana sa kanya ang regalo ko " at tumalikod na ito .

Kinabukasan tumawag ang kaibigan ni nina" hello "sabi ni sinio. "Sinio si nina namatay dahil sa drug addict na nobyo na " biglang binitawan ni sinio ang telepono at nagulat . " biglang napaisip si sinio "walang yang drugs pala ang sinabi nitong regalo magbabayad siya ! Galit na sinabi ni sinio at napa iyak "bakit? Nakay hearti lang ang atensyon ko ngunit ang dapat koy inaalagan at hindi pinabiyaan ay ngayon wala na ang aking bestfriend bakit hindi ko nasabi noon pa na mahal na mahal ko siya " umiyak na sinabi ni sinio .


Kinabukasan nang may kunin si sinio sa kanyang bag ay may biglang nahulog isang papel na naglalaman ng sulat agad nya itong binuksan at siyay nagtataka na sulat ito kay nina " bes sana palagi kang masaya sa buhay mo at sana masaya kayo ni hearti aalis lang ako saglit babalik lang ako mamimiss kita bes " umiyak na umiyak na nabasa ni sinio ang sulat at siyay nag salita "bes sorry " umiyak ng umiyak " bes SANA MAKITA KANG MULI"  Sinabi ni sinio sa sarili na patuloy sa pag iyak 😢😢😢😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭

Tapos:

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Byaheng Mcdonald💙